Sunday, March 16, 2008

TELENOBELA


SULATING PANANALIKSIK

MARVIDA, MILET
ROLLOQUE, MARY JANE
ESTRELLA. ARETHA JOY

I. INTRODUKSYON SA PAKSA

Malaking palaisipan sa mga mananaliksik ang pagbilis ng paglitaw ng mga Soap Opera o kilala sa ating bansa na "Telenobela". Ang telenobela ay isang melodramatic fiction na palabas na kadalasang ineere sa Latino-Amerikano na mga bansa noong unang panahon. Ang mga palabas na ito ay ineere sa gabi, anim na araw sa isang linggo at nakakaanyaya ng maraming manonood, iba't iba man ang edad at kasarian. Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan.


II. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

a.) Paglalahad ng Suliranin

Marami na ngang nahuhumaling sa mga telenobelang nagsisilabas ngayon lalo na ang mga Pilipino. Nagbibigay sila ng oras dito at nagkakaroon pa ng iba't ibang persepyon sa mga naturang palabas. Ang mga mananaliksik ay nais malaman kung "Ano ang Epekto ng Telenobela sa Buhay ng mga Pilipino".


b.) Rebyu / Pag-aaral


Ang mg telenobelang naipapalabas sa telebisyon ay mayroong malaking epekto sa bawat manonood nito. Maraming positibo at negatibo epekto ang maaangkat ng mga manood nito partikular na ang mga kabataang Pilipinong manonood nito.


c.) Layunin

Layunin ng Papel Pananaliksik na ito makapagbigay impormasyo patungkol sa paksang nailahad ng mga mananaliksik. Nais din nitong makatulong sa iba pang mga mananaliksik na magsasagawa ng pag-aaral tulad ng problemang nailahad.

d.) Halaga

Makakatulong ang pag-aaral na ito upang mas lalo pang mapalawak ang kaalaman ng mga manonood at mga mambabasa nito ukol sa nasabing paksa. Magiging interesado ang ibang manonood na hindi masyadong sumusubaybay ng mga palabas na tulad ng telenobela lalo na kung mailalahad ang tunay na epekto ng telenobela sa buhay ng mga Pilipino partikular na ang mga kabataan.

e.) Teoretikal o Konseptwal
Makikita sa tsart ang kaugnayan ng telenobela, lokal at dayuhan at ang epekto nito sa mga kabataang Pilipino. Mayroong negatibo at positibong epekto ito sa mga kabataang manonood nito.




f.) Metodolohiya


Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos mula sa mga babasahin at gumamit ng inteaktibong paraan upang mas mailahad ng malinaw ang mga impormasyong nais nitong ihayag.


g.) Saklaw at Delimitasyon


Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga kabataang Pilipinong manonood at sumusubaybay sa mga telenobelang ipinalalabas sa telebisyon. Dito lamang nagbigay pansin ang mga mananaliksik sapagkat limitado lamang ang kanilang mga datos na nakuha at nakalap upang maisagawa ang pananaliksik na ito.

h.) Daloy ng Pag-aaral

Inilahad ang suliranin upang mabigyang kasagutan ito ng mga mananaliksik. Ang pag-aaral ay nasimulan sa paglalahad ng istorya at ilang mga impormasyon tungkol sa nabanggit na paksa. Nakapaglahad ng ilang pag-aaral at impormasyon ang mga mananaliksik tungkol sa ilang telenobelang naipalabas sa ating bansa.


III. KATAWAN

a.) Ebidensya

Hinding-hindi mawawala sa mga tahanan ng mga Pilipino ang mga telebisyon. Para kasing mababaliw ka sa kalungkutan kung wala ang mga telebisyon para magbigay saya at aliw sa atin. At isa na nga sa mga kinaaaliwan natin ay ang pagsubaybay sa mga telenobela at mga koreanobela. Para ngang kulang ang ating mga araw kung hindi natin napanood ang paborito nating programa.

May tamang timpla ang pagkakagawa ng kwento ng mga nobelang ito na napapanood natin. Dahilan kaya naman patok na patok at talagang kinakagat natin ang mga ito. Gabi-gabi, araw-araw at hapon-hapon ay nakatutok tayo sa ating mga telebiston para manood ng mga nobelang ito. Kadalasan pa nga ay tinitigil natin ang anumang ginagawa natin para lang huwag mapalampas ang bawat eksenang mangyayari sa ating paboritong programa.

Mara Clara, Esperanza, Marimar, Full House, Cofee Prince, Meteor Garden, Endless Love, Rosalinda, Annakarenina at iba pa ay siyang mga palabas na lubusan nating sinuportahan at sinubaybayan. Nakiiyak, nakiramay at nakitawa tayo sa mga bida. Namuhi, nainis at nagalit tayo sa mga kontrabida. Kinilig din tayo sa mga programang sadyang hatid naman talaga ay ang mapa-ibig tayo at kiligin.

Bahagi na ng ating pangaraw-araw na pamumuhay ang panonood ng mga ito. Ang pagdating nila ay tulad ng isang napakalakas na bagyo. Napakalakas ng dating at nakakagulat. At isa pa, sinasalamin ng mga korea/telenobela ang tunay na drama at aksyon sa totoong buhay ng bawat isa sa atin.

Ang mga Soap Opera o Telenobela ay nagsimula sa radyo at hindi naglaon ay binuksan sa telebisyon noong 1960's. Ang unang Filipino Soap Opera na pinalabas ay pinamagatang "Hiwaga sa Buhay na Bata" noong 1963 na inihandog ng ABS-CBN. Ang mga telenobela noong unang panahon ay pinalalabas sa araw. Ilan sa mga popular na telenobela noon ay ang Gulong ng Palad, Flor de Luna, Aguila at Valiente. Ngunit noong 1996, ang mga programang ito ay nalipat sa gabi dahil sa pagdating ng dayuhang palabas na "MariMar" sa RPN 9 at dito na nagsimula ang pagkahumaling nga mga Pilipino sa mga telenobela.

http://en.wikipedia.org/wiki/Teleserye


Matapos ang mga taon ng pamamayagpag ng mga Soap Opera ng Pilipinas, sumunod naman ang pag-eere ng mga dayuhang telenovela tulad ng mga palabas sa Mexico. Natatandaan n’yo pa ba si Fulgoso? Si Sergio? Si Corazon? Eh si Marimar?! Oh ano? Naalala n’yo na ba?! haha.. Malamang tumatakbo na sa utak nyo ngayon kung sinu-sino ang mga tauhan na nabanggit. Yan ay walang iba kundi si “Marimar”. Sikat na sikat, bata man o matanda ay sinubaybayan ang pakikpagsapalaran niya sa tabing-dagat. Nahumaling ang mga Pinoy sa kanyang alindog at husay sa pag-arte at pagsayaw. Ang karakter na Marimar ay ginampanan ni Thalia, isang singer at aktres sa Mexico. Nagkaroon ng ugnayan sa pagitan ng karakter ni Marimar at ng mga manonood. Mas lalong naging popular ang palabas at tinagkilik ng mga Pilipino.

Chinovela 101!Ü

Photobucket

Matapos ang pamamayagpag ng mga Mexicanovela sa Pilipinas, nagkaroon naman ng panibagong kinabaliwan ang mga Pilipino. Ito ay walang iba kundi ang mga Chinovela na pinasimulan ng ating Kapamilya station. Meteor Garden ang unang Chinovela na naipalabas sa Pilipinas (sa pagkaka-alam ko! Baka may iba pa?!) Lahat na curious sa pagdating ng astig na palabas na ito. (Kahit ako n0h!) Trailer pa lang mukhang ayos na ayos talaga. Talagang minahal ng mga Pilipino ang mga karakter dito. Ang Flower 4 o mas kilala sa tawag na F4 ay sinubaybayan ng husto ng mga Pinoy. At isama pa ang babaeng bida sa palabas na ito. Kakaiba talaga ang ang istroya ng palabas na Meteor Garden kaya naman kinagat ito ng ating mga manonood.



PhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucket



>>Shan Cai. Isang mahirap subalit matatag na dalaga. Sa simula ay tahimik lamang siya at mahiyain. Subalit dala ng mga kaganapan, naipakita niya ang kanyang katapangan sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.

>>Dao Ming Si. Maloko at may ayos na mayabang subalit may taglay na kabutihan at karomantikuhang mangingibig sa kalooban. Siya ang pinuno ng F4. May mga sandaling nahihirapan siyang ipakita ang tunay na damdamin.

>>Xi Men. Kilalang palikero subalit may pusong romantiko. Mahilig makipaglapit sa mga magagandang babaeng nakikita. Ang isang girlfriend ay kalimitang nagtatagal lamang ng isang linggo sa kanya.

>>Mei Zuo. Matalino at magaling makisama sa iba. Pinapahalagahan niyang mabuti ang pagkakaibigan.

>>Hua Ze Lei. Tahimik, natatangi at may matalas na isipan. Siya ang pinakamahinahon at seryoso sa grupong F4. Ipinapahayag niya ang kanyang damdamin sa pamamagitan



ITO NAMAN ANG MGA REAKSYON AT MGA EPEKTO NG METEOR GARDEN SA MGA PILIPINONG MANONOOD:

>>ooohh….meteor garden…my fave series of all time….how I miss it so much….no, wait….my mom and I still watch it every night….hehehe….although we’ve seen it like a hundred times already, I still can’t get enough of them…..especially JERRY……[sigh]…..we started the series again last week…….we’re still on the 5th episode…….hehehe

-Janna (http://asianfanatics.net/forum/Meteor_Garden-talk7227.html)

>>omg, i loved MG! i’ve literally watched it more than 50 times. i was so obsessed with it…everytime i heard the theme song or ‘ni yao de ai’ i got so excited, just because they reminded me of MG. i thank my aunt for letting me borrow the series from her…otherwise i would have no clue who F4 was.

-liliums (http://asianfanatics.net/forum/Meteor_Garden-talk7227.html)

>>this was my first taiwanese series i relaly liked zai zai is soo cutee. but san cai is so annoying going back and forth to lei DMS and then some other guys

-susan (http://asianfanatics.net/forum/Meteor_Garden-talk7227.html)

>>Meteor Garden has great actors, humor, drama, storyline…everything you need for a good show!

-Firelight (http://asianfanatics.net/forum/Meteor_Garden-talk7227.html)

>>Telenovela- Okay lang kung drama lang pero kung ang turing dito ay telenovela, ibang usapan na ito. Nagsimula ang kalokohang ito nang dumating isang alien sa katauhan ni Marimar. Dito minsan naka-pattern ang karamihan sa mga kuwento ng mga telenovela sa Pilipinas. Pag-iibig at paghihiganti( isama mo na rito ang sex). Kahit ang mga Korean, Japanese, at Chinese ay hindi dapat tawaging mga telenovela dahil di naman si naka-pattern sa mga Taga-Kanluran(although may kaunti itong hawig). Isa pa, bakit hindi gumagawa ang mga director natin mga palabas tungkol sa bawat sektor ng buhay tulad ng pulis, bumbero, sundalo, doktor, scientist at iba pa.
Kaya drama ang dapat, hindi telenovela.

(http://pinoyepal.blogspot.com/2008/01/basura-sa-tv.html)


Mapapansin na ilan sa mga opinyon at reaksyon na nabasa ninyo sa pananaliksik na ito ay pawang negatibo at positibo. Nagiging panatiko ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan at nagkakaroon ng pantasya ang mga manonood ng mga telenoelang ito, lokal man o dayuhan. Kung inyong mapapansin sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik tungkol sa storya ng mga soap operang nabanggit, ilan sa mga ito ay nangyayari sa totoong buhay na pawang sumasalamin sa buhay ng isang Pilipino. Dito nasasabing ang mga ito ay salamin ng tunay na buhay. May mga telenobela ngayon na tinatawag na ring Fantaserye kung saan ang mga karakter dito ay pawang may mga kapangyarihan na hindi nangyayari sa tunay na buhay. Ilan lamang sa mga sumikat na mga telenobela na angkat sa ibang bansa, ang tawag ay Chinovela at Koreanovela, na mula sa mga bansang Asya. Dito nahuhumaling ang mga kabataang Pilipino dahil sa kakaiba nitong estilo ng pagpapalabas, ang mga karaket na gumaganap dito at ang kakaibang storya na nakukuha ang panlasa ng bawat manonood nito.

IV. KONKLUSYON

Sa paglalahat, ang mga palabas na ito ay nagkakaroon ng mga epektong sadyang hindi maiiwasan ng bawat isa sa atin lalo na ang mga pantikong manonood ng mga telenobela. May mga magagandang epekto ang mga ito sa buhay ng bawat kabataang Pilipino, una ay nagkakaroon ang sila ng pagkakataong matuklasan ang iba't ibang kultura ng ibang bansa na naipapakita sa mga dayuhang telenobela mas napapalawak pa ang kanilang isipan hinggil sa mga pangyayaring maaring mangyari sa tunay na buhay. Pangalawa, nagkakaroon sila ng panandaliang saya sa panonood ng mga ito at pangatlo, nagagawa nilang ihambing ang kanilang napapanood sa kanilang tunay na buhay at magkabuo sa kanilang isipan ang mga aral na kanilang natutunan sa panonood ng mga telenobela. Sa kabilang banda, ang panonood ng mga ito ay nagkakaroon din ng negatibong epekto sa mga manonood. Una, ay nagiging malayo ang pag-iisip ng mga kabataang Pilipinong manonood sa tunay nilang mundo at bumubuo sila ng mga pantasyang imposibleng mangyari sa tunay na buhay, sunod ay nasasayang ang kanilang oras imbes na ibuhos ang kanilang oras sa iba pang mas mahalaga pang bagay bukod sa panonood nito at pangatlo ay natututunan nila na o inaaplay nila ang mga bayolenteng gawain na kanilang napapanood sa mga telenobela.

No comments: